Linggo, Setyembre 18, 2011

Di-pangkaraniwang Pagsinta





Nagdadalamhati ng bukang liwayway sumilip
Sa puso't isipang hindi maiwaglit
Imulat matang labis ang pighati
Ng pagkawala sa buhay ninanais.

  Paano nga ba mabuhay sa mundo'y nag-iisa
Pangarap ng puso sana ay matupad pa
Ng taong sa buhay ko, muling magpapaligaya
Upang makamit, ninanais paraisong kay ganda.

Dugo ng dukha sa akin nagpapaalala
Na hindi masamang umibig sa kapwa mo kapareha
Ngunit kalagayan ko ngayon, mali ang umasa
Ang magmahal  ng sariling kapareha, namali sa mata ng iba.

Di ko alam kong bakit ikaw pa?
Di ko alam kung bakit kailangang magsinungaling pa?
Sa isang liham na sa una'y nagpaligaya
Ng puso't isipang sa akin nagpantasya.

Kinalaunan, relasyon nati'y nagtagal
Pagsasamahan lalo pang tumibay
Di iniinda sasabihin ng
iba
Ng pagmamahalan ng dalawang magkapareha.

Bulaklak noon ay namumukadkad
Maraming paro-paro ang nagkakandarapa
Sa tamis nitong nagbibigay sigla
Paro-parong gustong mabuhay pa.

Ngunit bakit ngayon tila ito'y lanta
Unti-unti ganda nito'y nauubos na
Lantang parang bigo at nagsisisi pa
Sa kasalanang kumikitil sa mapaglarong ganda.

Sa muli nitong pagyabong
Hangad sana'y manumbalik ang dating relasyon
Relasyong titingin sa lalim ng pinagsamahan
Hindi sa anumang pagkukulang.

Bulaklak na simbolo ng walang bahid na kasinungalingan
Paro-parong dadapo at handang ipaglaban
Walang kasinunangalingan,walang lihiman
Ipakitang tunay, likha na maling pagnanasa.


1 komento:

  1. ",,Mund I really love your poem that shows about you,, being the real you,, let this poem be your mirror as showing your love and the true you, as a person and a lover.." keep the good writing..

    TumugonBurahin